A man is infinitely more complicated than his thoughts...
Feel free to look around... Try to comment and tag before you leave... Thanks...

About me

surfing the net, chat, i play the guitar, i compose songs, i like reading books, anime, drawing, writing, watching TV, i listen to music like bamboo, parokya ni edgar, urbandub, linkin park, MYMP, the unknown... a confused person...

The Unknown Past...

#July 2006 #August 2006

_________________

_Links___

Blogger
BlogSkins
Heneroso
Icarus
Fiel
MikMik
Ceasar
Teepsee
Sayote Queen
lilprincess
Chester
Ada
Karlee
Unknown sa Friendster

_Credits___

gal-rox-it
Icarus

_ShoutBox___

Need to tag? Click Here
Wednesday, August 02, 2006

And when life's sweet fable ends, soul and body part like friends; No quarrels, murmurs, no delay; A kiss, a sigh, and so away...


Hindi nakapagsalita si Matt. Biglang sumiklab ang galit sa kanyang kalooban. Naputol ang kanilang paguusap, kaya't ibinulsa niya ang kanyang phone. Nanginginig ang kanyang buong katawan sa galit. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang inaasal niya. Hindi niya pinansin ang mga taong nakatingin sa kanya.

"Matt!"

Lumingon siya at tinignan kung sino iyon. Si Jillian... Masisilayan sa mga mata niya na nais niyang magpaliwanag. Hindi pinansin ni Matt ang mga sinabi ni Jillian. Sarado na ang utak nito at hindi na makakalma ang gerang sumiklab sa kanyang isipan. Magulo at tuliro ang isip niya, hindi niya ininda ang matang nagsusumamo ng dilag na matagal na niyang sinisinta. Maya-maya ay napansin niyang tumahimik ang paligid, tanging ang mabilis na pagtibok ng puso ang kanyang naririnig. Pansamantalang nawala ang kanyang pandinig.

"Nakakabingi ang katahimikang ito..."

Itinaas niya ang kanyang ulo at hinanap si Jillian. Wala na ito sa tabi niya, nakita niyang naglalakad ito palayo. Tumayo siya at hinabol ito. Nakarinig siya ng nakakabinging busina ng rumaragasang sasakyan. Tinignan niya at napansin niyang nagkakarerahan ang mga ito. Ang isang kotse ay parang iba na ang tinatahak na daan. Nagising siyang bigla, naalala niya si Jillian. Derederetso ito sa mahal niya! Tumakbo siya daladala ang pangamba at pagsisisi. Napansin niyang lumabo ang kanyang paningin dahil sa mga luhang unti-unting umaagos mula sa kanyang mata. Wala siyang pakialam sa mga taong nakatingin sa kanya. Hinayaan niyang dumaloy ang mga luha at natikman niya ang pait na hatid nito... Ang pait... Unti-unting nilasaon nito angkanyang katawan, sinisira ang kanyang ulo... Itinaas niya ang kanyang kamay inabot ang kamay ng isang nakaputing dilag.. Hinagkan niya ito... Sa bawat segundo lumipas ay talamak na sa kanyang sistema ang lason... Pinapatay siya nito... Napagtanto niyang iyon na ang katapusan... Natagpuan niya ang katahimikan at kapayapaan sa kamay ng dilag at napansin niyang nananangis ito. Sinubukan niyang abutin ang kahalihalinang mukha nito at bago pa umabot ay nagdilim ang buong paligid...

"Mahal kita..."

iamtheunknown sang @ |12:01 AM|
Comments: 3

**************

Tuesday, August 01, 2006

Love in the world of rubbershoes and confusion...


Madalas ay hindi sila nagkikita sa eskwelahan dahil panghapon si Matt at pang-umaga naman si Jillian. Akala niya ay makakalimutan na niya ito kung magpapatuloy na wala silang komunikasyon. Alam niyang hindi niya ito matitiis, ngunit sinubukan na niya rin ito. Tama nga siya sa huli... Natagpuan na lang niya ang sariling niyaya si Jillian na lumabas. Ang usapan nila ay alas-siyete ng gabi, dahil papanuorin nila ang isang sikat na banda sa gig nito. Eksaktong alas-siyeteng dumating si Matt. Tinext niya si Jillian at tinanong kung nasaan na siya. Hindi ito sumagot.

"Marahil ay nasa biyahe na..." ang sabi ni Matt sa sarili.

Sinubukan niya itong tawagan, ngunit hindi ito sinasagot. Nangamba siya, ngunit nagpatuloy siya sa paghihintay. Tatlumpung minuto na ang lumipas ay wala pa rin... Dahil hindi halatang menor de edad, ay inalok siya ng inumin na hindi naman gaanong malakas ang kontent ng alkohol. Isang oras na ang nakalipas, marami na siyang nainom pero wala pa rin si Jillian. Hindi na niya napansin ang kasiyahan ng mga tao at ang lakas ng tugtog ng banda. Tinignan niya ang kanyang orasan at napansing tatlong oras na pala siyang naghihintay. Naisip niang magbayad na at maghintay sa labas.

"Malamim na ang gabi... Ano kaya ang nangyari kay Jillian?"

Medyo nahilo siya dahil sa kanyang ininom at dinagdagan pa ng usok na likha ng mga naninigarilyo. Ilang beses na niyang tinawagan si Jillian, ngunit wala pa ring sumasagot. Naisip niyang marahil ay hindi na ito pupumnta kaya't napagpasyahan niyang maghintay na ng masasakyan pauwi. Pagkaraan ng kinse minutos, biglang tumunog ang kanyang phone.

"Nasaan ka na?"
"Naghihintay ng sasakyan pauwi..."
"Nandito na ako... Sorry... let me explain..."

iamtheunknown sang @ |2:41 AM|
Comments: 3

**************